Tag Archives: Jeep

Dyipney

12924471_1013347052090946_3983550729305614076_n

Dyipney

 

Ilang mahabang panahon din ang lumipas,

kung saan ang pait ay yumapos na sa limot.

Hanggang sa tayo’y humakbang sa hiwaga ng pagkikita.

 

Sa loob ng hari ng lansangan

na may apat na kumakaripas na gulong

Muling nasilayan ka!

 

Ilang ulit akong sumulyap

na waring ang mga alaala ay kinakapang muli

ngunit sila ay tila natapakan na ng galit.

 

Lumalawak ang mapangaraping diwa.

Bitbit ang pira-pirasong basag na nakaraan.

 

Pilit isinasaayos sa wasto nitong anyo

subalit sugat lamang ang natamo.

 

Sugat na pagkalinga lamang

ang tanging makakapaghilom

 

Sa loob ng dyipney,

na may mga kumakaripas na gulong at

sumasabay sa mabilis na pagkaripas ng mga ala-ala.

 

Sa dyipney,

sana’y muling makasabay ka!

 

Sa dyipney,

sariwain natin ang mga ala-ala.

 

 

***tulang isinulat noong 2009, araw kung kailan hindi inaasahang magtagpo ang aming landas pagkalipas ng apat na taon.

Tagged , ,