Online

Diona Tungkol sa Social Media

I.

Paggising sa umaga,

kalat sa social media,

iskandal ng artista.

II.

Iyong nararamdaman,

di mabita-bitawan,

sa pag-like mo idaan.

III.

Galit mong lubos-lubos,

sa pag-post matatapos?

Di naman nairaos!

IV.

Nais mong makiramay,

presensya mo ma’y sablay,

share ang ‘yong kaagapay.

V.

Iyong Twerk it Like Miley,

in-upload mo sa FB,

‘lang likes mula kagabi?

VI.

Pano ka magmo-move on?

Titig buong maghapon,

sa profile ng kahapon.

VII.

Ingatan ang password mo,

baka agawin sa’yo

ang iyong pagkatao.

**Ito ang aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 2015 para sa kategoryang Tula (Diona)

Saranggola 336x280

Advertisements

One thought on “Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: